Nilinaw ngayon ng Department of Education na hindi nila ino-obliga na mag- sumite ng Birth certificate na mula sa Philippine Statistics Authority ang mga bata sa enrollment.
Ito ang binigyang diin ni Camarines Norte Dep Ed Division Public Information Officer Antonio Ahmad.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet, sinabi ni Ahmad na sapat na ang Birth Certificate na mula sa Local Civil Registrar at hindi na kailangang gumastos pa para kumuha nito sa PSA.
Ginawa ni Ahmad ang pahayag sa gitna ng pagkukumahog ngayon ng mga magulang na kumuha ng birth certificate sa PSA na bukod sa kakailanganin pang pumunta ng Naga o Legaspi City para sa makuha agad, ay dagdag gastusin pa ng mga magulang.
Ito’y lalu pa’t simula nitong Pebrero ay nagmahal na rin ang mga Civil Registry Documents sa PSA bunsod ng TRAIN law.
Nilinaw din ni Ahmad na wala naman talagang enrollment period ngayon dahil otomatiko umanong naka- enroll ang mga bata.
Ito nga raw ang dahilan kung bakit hinihimok nila ang mga guro na ngayong Brigada Eskwela week ay ipaskil na sa mga classroom ang mga pangalan ng bata upang alam na ng mga ito bago pa man ang pasukan sa Lunes.
Ang kailangan lang daw mag- enroll sa ngayon ay ang kinder at grade 1.
Source
SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER
Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.