DepEd Enrollment Frequently Asked Quests (FAQ) for SY 2020-2021
Mga madalas itanong tungkol sa Enrollment ngayong SY 2020-2021
Hanggang kailan ang period ng enrollment ngayong SY 2020-2021?
Ang enrollment para sa School Year 2020-2021 ay magbubukas sa Hunyo 1 at magtatapos sa Hunyo 30. Ito ay karugtong na lamang ng Early Registration noong Enero. Sa unang dalawang linggo ng Hunyo, remote enrolment ang gagawing papamamaraan dahil ipagbabawal ang kahit anumang pisikal ng pagpunta sa paaralan. Lahat ng learners na hindi makakapag enroll gamit ang kahit anong remote na paraan ay papayagan sa huling dalawang linggo ng Hunyo para pisikal na makapunta sa paaralan at ito ay dedepende sa sitwasyon ng lugar. Dapat rin ay nakasunod pa sa required health standards ng IATF ang posibleng physical enrollment na mangyayari.
Paano ang magiging sistema ng enrollment? Face-to-face ba?
Hindi kinakailangang pisikal na magtungo ang mga magulang at mag-aaral sa paaralan para sa enrollment ngayong taon. Upang patuloy na mapairal ang Social Distancing at ang health standard na rekomendasyon ng DOH at IATF, ipatutupad ng Kagarawan ang Remote Enrollment.
- Para sa mga Grade 1-12 na mag-aaral: Ang mga magulang ng mga papasok na Grade 1 to 12 learners ay tatawagan ng kanilang adviser mula sa nagdaang taon para sa ‘remote’ enrollment. Gayunpaman, maaari ring ang magulang o taga-pangalaga ang tatawag o kokontak sa adviser, sa pamamagitan ng mga numerong nilaan ng paaralan para sa enrollment procedures.
- Para sa mga papasok ng kindergarten: Maaaring makipag-ugnayan ang magulang ng mga papasok ng kindergarten sa kanilang napiling paaralan para sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga nilaang numero o bumisita sa website ng paaralan para sa kanilang enrollment procedures.
- Para sa mga lilipat na mag-aaral: Maaaring direktang makipag-ugnayan ang magulang ng lilipat na mag-aaral sa eskwelahang nais lipatan gamit ang mga contact details ng paaralang lilipatan.
- Para sa mga Balik-Aral enrollees: Tulad ng mga transferees, maaaring direktang makipag-ugnayan ang mga Balik-Aral enrollees sa eskwelahang napiling lipatan. Ang lilipatang eskwelahan ay ang siyang magtatala ng kanilang impormasyon at datos.
- Para sa mga ALS enrollees: Maaaring mag-enroll ang mga mag-aaral sa ilalim ng ALS program sa pamamagitan ng pakikipagugnayan online o pisikal sa paaralan o sa mga barangay na mayroong Community Learning Centers (CLCs). ALS Form 2 (Annex B) ang gagamitin dito batay sa DepEd Order No. 58, s. 2017. Maaari itong ma-access online at mayroon ding mga printed na kopya
Ano-ano ang mga paraan ng pag-e-enroll ngayong SY 2020-2021?
- Teacher Lead Enrollment Ang mga guro (class advisers) ang mangunguna sa pagtawag sa kanilang mga estudyante mula Grade 1 hanggang Grade 12 noong nakaraang taon upang kunin ang kanilang impormasyon at ilagay sa LIS.
- Enrollment Hotlines May mga enrollment focal person (EFP) na tatanggap ng tawag at sasagot sa mga katanungan ng mga magulang ng Kindergarten, transferees, Balik-Aral, at ALS learners. Maglalabas ang DepEd field offices ng listahan ng contact information ng mga paaralan sa inyong lugar.
- Physical Enrollment Magkakaroon ng mga enrollment kiosk sa mga barangay kung saan pwedeng ipasa ang Learner Enrollment and Survey Form para sa mga hindi ito magagawa online. Mahigpit na ipatutupad ang minimum health and safety standards. Paalala lamang na maaari lamang itong gawin simula sa ikatlong linggo ng Hunyo.
Tatanggap ba ang mga paaralan ng mga late enrollees?
Ang mga paaralan ay maaring tumanggap ng mga late enrollees kung ang estudyante ay nakapasok sa 80% ng itinakdang school days sa bawat school year at naabot ang mga kinakailangang pamantayan upang pumasa sa bawat grade level. Maari ding gamitin ng mga school heads ang kanilang sariling desisyon sa kung tatanggapin o hindi ang mag-aaral at magsagawa ng mga aktibidad upang makahabol ang nasabing estudyante.
Paano ang pagpapasa ng mga documentary requirements para sa enrollment?
Dahil sa kasalukuyang sitwasyon pang kalusugan, ang palugit sa pagpapasa o pagsusumite ng mga documentary requirements sa enrollment ay ipagpapaliban muna hanggang Disyembre 2020. Ito ay ipatutupad pareho sa pampubliko at pribadong paaralan. Gayunpaman, inaanyayahan ang mga magulang na ipasa ang mga dokumento sa lalong madaling panahon.
Ano ang mga dokumento o form na kailangang ipasa sa pag-e-enroll ng anak ko?
Ang mga sumusunod na dokumento ay maaaring ipasa online (email, Messenger, Viber, atbp.) o sa mga enrollment kiosk sa barangay:
- Sinagutang Learner Enrollment and Survey Form (LESF); at
- Mga documentary requirement na nakasaad sa DO 3, s. 2018, kung mayroon naI
- PSA Birth Certificate (dating NSO)
- Learner School Form 9 (Form 138) kung mag-e-enroll sa Grades 1-12
Pwede bang tanggihan ng isang paaralan ang isang mag-aaral na kulang o walang dokumento na maipapasa sa loob ng enrollment period?
Hindi maaring tanggihan ng mga paaralan ang mga mag-aaral na nais mag-enroll ngunit kulang o walang dokumentong maipapasa habang nageenroll.
Sino ang dapat magbigay ng school record ng isang mag-aaral?
Ang School Form 9 (Form 138) at School Form 10 (Form 137) ng mag-aaral ay dapat na maibigay ng dating paaralan papunta sa paglilipatang paaralan. Ito ay dapat na school-to-school transaction lamang at ang mga paaralan ay hindi dapat ipasa ang ganitong responsibilidad sa mga magulang o guardian.
Pwede pa rin bang magpasa ng application para sa SHS Voucher Program?
Maari pa ring magpasa ng application sa ilalim ng SHS Vouvher Program kung ikaw kwalipikado sa mga nakaatas na pamantayan. Kung nais na mag-apply sa programang ito, maaring ipasa ang application sa Private Education Committee National Secretariat (PEAC NS) sa pamamagitan ng Online Voucher Application Portal o maaari ding magsadya sa opisina ng PEAN NS kung manual naman ang isasagawang aplikasyon. Dagdag pa rito, ang mga estudyanteng nakatatanggap na ng voucher program ay hindi na kinakailangang mag-apply muli sa kadahilanang automatiko na muli silang makakatanggap ng subsidiya mula sa departamento.
Pinapayagan po ba ang mga private school na magsagawa ng face-to-face enrollment sa unang dalawang linggo ng Hunyo?
Ang mga private schools na nagbabalak na magsagawa ng face-to-face enrollment sa nasabing linggo ay dapat munang sumulat sa DepEd upang ipaalam ito. Mangyaring ipagbigay-alam ito ng mga private schools sa pamamagitan ng pag-email sa Office of Undersecretary Jesus L.R Mateo ([email protected]).
Paano malalaman ang paraan ng pag enroll, wala kaming internet?
Maaring mag-tanong sa dating class adviser ng mag-aaral sa kung paano ang magiging proseso ng enrollment. Maari ding dumulog sa nakatakdang enrollment kiosk/booth/desk sa inyong mga barangay upang makakuha na rin ng dokumentong kakailanganin.
Paano ang pag-enroll kung lilipat ng school?
Nararapat lamang na kontakin ng mag-aaral o magulang ang paglilipatang paaralan upang ipagbigay alam ang ninanais na paglipat.
Ano ang iba’t ibang paraan upang makolekta ang mga enrollment at survey data?
Ang mga enrollment at survey data ay maaring makolekta sa pamamagitan ng: (1) Tawag sa telepono; (2) SMS/Text messaging; (3) Pagpapasa sa pamamagitan ng online (hal. E-mail, Messenger, Viber at iba pa.)
Pwede na ba mag put up ng enrollment kiosk o booth simula June 1?
Hindi pa, absolutely no face-to-face ang unang dalawang linggo.
Paano kung nakapaglagay na kami ng booth o kiosk bago pa nailabas ang DepEd Order 008, s. 2020?
Pwede lang i-activate ang mga booth o kiosk na naka-ready na sa ikatlong linggo ng Hunyo ayon sa alituntunin ng Kagawaran.
Source: DepEd
SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER
Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.