Skip to content

440 pribadong paaralan pansamantalang magsasara


Pansamantalang magsasara ang 440 pribadong paaralan sa bansa para sa darating na school year dahil sa kakulangan ng mga mag-aaral na nagpatala ayon sa Department of Education (DepEd).

Karamihan kasi ng mga mag-aaral na dating naka-enroll sa mga pribadong paaralan ay lumipat muna sa mga pampublikong paaralan dala ng epekto ng COVID-19 sa kabuhayan ng mga pamilya, ani Education Undersecretary Revsee Escobedo.

Nasa halos 400,000 mag-aaral mula sa mga pribadong paaralan ang lumipat sa mga pampublikong paaralan batay sa tala ng DepEd.



Pinakamataas ang bilang ng mga pribadong paaralan na pansamantalang magsasara sa Region 3 (Central Luzon) sa bilang na 88. Sinundan naman ito ng Region 4-A (Calabarzon) na may 67, at Metro Manila na may 54.

BASAHIN: DepEd studying employment for displaced private school teachers

Batay sa pinahuling tala ng DepEd, nasa 1.7 milyon na mag-aaral ang nagpatala sa mga pribadong paaralan para sa darating na pasukan. Ito ay katumbas lamang ng 41.47 percent ng 4.3 milyong mag-aaral sa mga pribadong paaralan noong nakaraang taon.

Bagama’t sa Oktubre 5 pa magsisimula ang klase sa mga pampublikong paaralan, pinayagan na ng DepEd ang mga pribadong paaralan na maunang magsimula ng kanilang mga klase basta ito ay ayon sa pinapatupad na distance learning protocol.



Nasa higit 1,000 pribadong paaralan na ang nakapagsimula ng klase para sa SY 2020-2021 ayon sa DepEd.

Inaasahan naman na nasa 6,000 pribadong paaralan pa ang magbubukas ng klase bago ang Oktubre 5.


SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *