Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na handa itong pondohan ang pagpapalit sa mga binagyong self-learning module nitong mga nagdaang linggo.
Iniipon lang umano ng DepEd ang lahat ng ulat ng mga nasirang module at inaaral kung saan kukunin ang pondo para dito, ani Education Undersecretary Annalyn Sevilla.
“We are ready to download [or] supplement the financial resources of DepEd Regions and Schools Division Offices affected by recent calamities,” ani Sevilla sa isang mensahe sa mga reporter.
(Handa kaming pondohan ang mga DepEd Regions at School Division Offices na naapektuhan ng mga nagdaang kalamidad.)
Tinatayang aabot sa 400,000 learning module ang nasira dahil sa mga bagyo. Batay din sa tala ng DepEd, karamihan sa mga paaralan na nagtamo ng matinding danyos ay ang mga nasa Bicol Region.
Nauna nang sinabi ng DepEd na Malaki ang naging epekto ng sunod-sunod na bagyo sa distance learning lalo na sa Luzon.
Nitong Nobyembre, binayo ng limang bagyo ang Pilipinas na nagdulot ng malawakang pagbaha sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon. Ang bagyong Ulysses ang pinakahuling bagyo na nagdulot ng malaking pinsala sa Luzon.
“The DepEd Central Office has coordinated with affected regions on schools with class suspension, schools used as evacuation centers, flooded schools and fatalities due to Ulysses,” ani ng kagawaran.
(Nakikipag-ugnayan ang DepEd Central office sa mga naapektuhan na rehiyon ukol sa class suspension, paggamit ng mga paaralan bilang evacuation center, at mga binahang paaralan at mga biktima ng Ulysses.)
Kakailanganin umano ng P16.8 milyon para mapalitan ang mga learning module na nasira.
Photo: Jefferson Sebastian Arcilla / FB
SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER
Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.