Skip to content

Chop-chop’ na katawan ng pulis, natagpuan; kapwa pulis, arestado


BAGUIO CITY — Natagpuan ang katawan ng isang pulis na pinutol sa iba’t ibang bahagi sa Baguio City, matapos itong patayin ng kapwa pulis sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ayon kay P/Maj. Hazel Asilo, tagapagsalita ng Southern Police District (SPD), inamin ng suspek na pulis kung saan niya dinala ang katawan ng biktima matapos itong barilin.

“Sa statement ng suspek, matapos niyang mabaril ang biktima, dinismember niya ito, inilagay sa sako, at dinala sa Baguio upang doon itago,” ani Asilo.



Kinumpirma ng SPD na may natagpuang katawan sa Baguio, ngunit isinailalim pa ito sa forensics examination upang tiyakin ang mga detalye.

Unang napaulat na sumuko ang suspek, isang Lieutenant Colonel sa Taguig Police, noong December 4, matapos mawala ang biktima, isang Police Executive Master Sergeant na nakabase sa Puerto Princesa, Palawan. Ayon sa mga ulat, dumalo ang biktima sa isang convention sa Metro Manila bago ito maglaho.

Base sa pahayag ng suspek, nahuli niya ang biktima na may kasamang asawa nitong isa ring pulis. “Noong November 28, naabutan ng suspek ang kanyang asawa at ang biktima sa loob ng Camp Bagong Diwa, sa kanilang quarters,” dagdag ni Asilo.

Kasama ring sumuko ang asawa ng suspek, na itinuturing na rin bilang kasabwat sa krimen. Ayon kay Asilo, hindi agad in-report ng mag-asawa ang insidente at itinago nila ang katawan ng biktima, kaya’t nahirapan ang pamilya ng biktima sa paghahanap.



Patuloy ang imbestigasyon at pangangalap ng ebidensya ng mga awtoridad.


SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *