Ikinakasa na ng Malakanyang ang dagdag na sahod sa mga guro ngayong taon.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, matapos matanong kaugnay sa paniniktik umano ng Philippine National Police (PNP) sa ilang miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT).
Kasabay nito, nilinaw ni Panelo na walang dahilan para ipa-surveillance ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga guro sa bansa.
Sa katunayan aniya ay may naghihintay na dagdag sahod sa mga pampublikong guro gaya ng kanilang inihihirit.
Senegundahan din ito ni Budget Secretary Benjamin Diokno kung saan sinabi nito na ilang buwan na lamang mula ngayon ay madaragdagan na ang take home pay ng mga ito.
Iginiit pa ni Panelo na posibleng gumagawa lamang ng sariling multo ang ilang lider ng ACT lalo na at identified sila bilang makakaliwang grupo.
Source: DWIZ
SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER
Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.