Skip to content

Ama Patay, Ina Sugatan Matapos Pagtagain ng Sariling Anak sa Davao City


Patay ang isang 71-anyos na ama at sugatan ang kaniyang asawa matapos silang pagtatagain ng kanilang sariling anak sa Davao City. Nag-ugat umano ang insidente nang pagalitan ng mag-asawa ang kanilang anak at payuhan itong maghanap ng trabaho.

Ayon sa ulat ni Rgil Relator ng GMA Regional TV sa GTV State of the Nation noong Lunes, nagtamo ng malalalim na taga sa batok at balikat ang biktimang ama habang ginagamot naman sa ospital ang asawang sugatan sa insidente. Ang suspek ay 33-anyos na anak ng mag-asawa.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi nilang nagsisibak ng kahoy ang ama nang biglang mangyari ang insidente. “Pinayuhan ng magulang ang anak na maghanap ng trabaho, na siya namang ikinagalit ng suspek,” ayon kay Police Captain Hazel Caballero Tuazon, tagapagsalita ng Davao City Police Office.



Dagdag pa rito, sinabi ng opisyal ng barangay na matagal nang may alitan ang suspek sa kaniyang mga magulang. “Lagi silang nag-aaway ng kaniyang mama at papa dahil sa pagiging tamad ng suspek. Palagi siyang gumagala, naghahanap ng kainuman, at uuwi lang tuwing oras ng pagkain. Kaya nagagalit ang magulang,” pahayag ni Noel Aragon, chairman ng Barangay Inayangan.

Matapos ang krimen, tumakas ang suspek ngunit kalaunan ay naaresto rin ng mga awtoridad. Nahaharap siya ngayon sa mga kasong parricide at frustrated parricide. Tumanggi naman ang suspek na magbigay ng pahayag.


SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *