Skip to content

“Ang Huling Spoken Poetry Ko Para Sa Inyo”


Kay hirap talagang simulan ang isang katapusan. Isang simulang ayokong simulan.
Simulang wakasan ang isang panitikang isinulat natin sa nagdaang taon at buwan. 
Taon na kaybilis lumisan at mga buwan na parang kailan lang ay di pa tayo nagkakakilanlan.

Lungkot, saya, umiyak, at tumawa.
Tumawa kahit seryosong asignatura, kahit ang guro mo ay seryoso na kaya napagagalitan ka. Pero okay lang namang mapagalitan ka di ba?
Lagi mo kasing sinasabing “Sanay ka na”.

Mamimiss ko ang mga ngiti nyo.
Mamimiss ko ang pagpapataas nyo minsan ng dugo ko.
Mamimiss ko ang pantitrip at minsang kalokohan nyo.
Mamimiss ko, oo mamimiss ko ang mga ito dahil ito na ang huling “spoken poetry” ko para sa inyo.
Ito na ang huling akda , oo ito na nga ang simula.
Ang simula ng pagwawakas, ng samahang wag sana kumupas.
Kumupas na tulad ng yeso na kaydaling burahin, damdaming kaydaling pigilin at G-Tec na pag pumatak at agad na sisintiin.
Pero wag nyo sanang kalilimutan ang mga aral.
Wag nyong kalilimutan ang pagmamahal.
Wag nyong kaliligtaang manalangin at magdasal.
Magdasal sa Poong Maykapal na tulad ng ginagawa natin bago simulan ang klase at magbigay-aral.
Mga daho’y malalagas.
Malalagas at kukupas.
Kukupas at magwawakas.
Pero tandaan nyong sa bawat wakas ay may panibagong bukas.
Mga minamahal kong mag-aaral ngayon ay pansamantalang paalam.
Paalam sa masasayang biruan.
Paalam sa mga aral at kuwentuhan.
Paalam na may kasamang pangakong hindi kukupas ang ating samahang sinimulan.
Pabaon ko’y mga pasasalamat.
Salamat sa lahat.
Salamat sa lahat ng efforts nyo sa akin at sa asignatura.
Salamat sa pagkakaibigang di pinaaasa.
Salamat sa pagsunod at pagrespeto.
Salamat dahil kahit saglit lang ay naturuan ko kayo.
Ito na ang huling akda, oo ito na nga.
Diko alam kung anong dapat maramdaman.
Nalilito , nalulungkot, at kinakabahan.
Masaya, humahanga, at naliligayahan.
Dahil kayo’y nahubog, nahubog na ganap at handa sa anomang laban.
Andito lang lagi ako para sa inyo.
Aking mga kaibigan, kapatid, kapamilya, at mga kapuso.
Mga alaala nyo’y di ko malilimutan.
Mga kasiyahan at aral na hindi mahihiram.
Masakit mang bumitaw sa bagay na dumating ng di mo inaasahan.
Ngayon ay bibitiwan ko na.. bibitiwan ko na ang salitang…
Paalam!
Mahal ko kayong lahat! Paalam!
Hanggang sa muli! Paalam!
Salamat sa lahat! Paalam!
Paalam! Paalam! Aking mga kaibigan!
Salamat sa isang taon ng masayang samahan.
Ito na ang huling Spoken Poetry ko para sa inyo.

 
Photo cto


SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *