Skip to content

Briones sa mga binagyong module: Ibilad, plantsahin


Hinikayat ni Department of Education Secretary Leonor Briones ang mga pamunuan ng mga paaralang nasalanta ng Super Typhoon Rolly na magkusa na sa pag-aayos ng mga binagyong module. Pwede daw itong ibilad o plantsahin.

Ayon kay Briones, dapat ay magkusa na ang mga paaralan na gawan ng paraan ang mga binagyong module. Karamihan sa mga lugar na naapektuhan ay nasa Bicol at Southern Luzon.

“Ine-encourage natin ang intiaitive ng mga schools para sila ang maghanap, sila mag-develop sila ng solusyon sa mga challenges,” ani Briones.



Read also: DepEd eyes internet allowance by 2021

“Siguro hindi naman susulat ang superintendent na, ‘Basa ang module namin.’ Maghanap sila ng paraan. Siguro ibilidad nila, ‘yong iba pinaplantsa,” dagdag niya.

Maraming mga module, na ginagamit sa ipinapatupad na distance learning, ang binagyo sa Bicol at mga probinsya gaya ng Marinduque at Batangas.

Ayon naman kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, may mga “buffer” module pa na pupwedeng ipagamit sa mga mag-aaral sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.



“Bibigyan sila ng pagkakataon na matuto rin gamit iyong mga self-learning resources na ginamit ng mga kamag-aral nila, na tuloy-tuloy ‘yong pag-aaral,” ani San Antonio.

Kamakailan ay nagpahayag ng pagkabahala ang non-government organization na Educo Philippines sa epekto ng bagyong Rolly sa mga mag-aaral, lalo na sa Bicol region na matinding nasalanta ng bagyo.

Malaki ang pinsalang iniwan ng Super Typhoon Rolly. Ito ang pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.

Read more: DepEd thanks Senate for passing increased teaching supplies allowance bill
Download also: Summative Tests




SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


21 thoughts on “Briones sa mga binagyong module: Ibilad, plantsahin”

  1. Siguro, much better if magdedeploy muna ang DepED ng mga tao nila to make a survey kung gaano katindi ang pinsala sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo. Upang malaman kung anu ang kasalukuyang sitwasyon ng mga paaralan ganun ang mga mag-aaral sa nasasakupan nito. Mahirap po kasi na magbigay ng opinyon na base sa pagkakaintindi lang natin.

    May point nmn si Sec. Briones,may mga pagkakataon na ung mga nabasang papel e pede nmn po tlng ibilad at planstahin. pero iba ang sitwasyon, hindi lang basta basa ang usapin dito but kelangang malaman to what extent ba ang pagkabasa ng mga module. If kaya ba sa biladan or planstahan. yung iba po kasing lugar hindi lang basta basa, as in nalubog sa baha.

    sANA DIN PO MAY SURVEY NA ISINASAGAWA ANG dEPeD kung kumusta na ang implementation ng modular approach. say, natutuo ba talaga ang mga bata, nakaktulong pa ba ang module or what. then based po i-draw ang solusyon or desisyon bago po magbigay ng statement.

    Mahirap na po ang sitwasyon, wag na anting pahirapan pa instead let us make a way kung papaano padadaliin ito.

  2. sana ikaw nalng ang binagyo wala kang puso..
    dapat sayo matanggal kna sa posisyon mo…
    kung budget nyo na para lang sa hamon at keso de bola na milyon milyon itulong nyo sa mga estudyante na nasalanta at nawalan ng tahanan bka may matuwa pa sayo..

  3. Kung imong nwong nalang diay i bulad sa init og plansyahon.. makasapot ka maam, ka kuripot ba mag hatag nlng og usab og modules para sa mga na bahaan. Nganong hasolon pa ang mga bata.

  4. sobrang hirap po ng mga sitwasyon ng nasalanta ng bagyo hindi nila alam kung anong uunahin dahil lahat ng gamit nasira at nabasa, sana naman po bigyan nyo ng konting konsiderasyon ung mga gantong sitwasyon. sana iniintindi nyo po lagay ng tao. ang hirap po magaral sa gantong sitwasyon. hirap magaral ng ganto ang sitwasyon. sana naman po maintindihan nyo. konting unawa naman po. hindi naman po kase bastabasta magaral sa gantong lagay naten eh. hirap pong matuto magisa tapos dumagdag pa itong bagyo. please be sensitive po. hindi naman po bastabasta yung pinapagawa nyo. pinipilit na nga pong bumangon kahit hindi alam kung paano eh. sana po maunawaan ninyo. hayaan nyo po sana makabangon ang mga taong nasalanta ng bagyo at ng pandemyang ito. just saying.

  5. DEPED PABA TO? HIN(.) KA. HOW COME SECRETARY BRIONES CONTINUE THE CONTRIBUTIONS OF MODULES WITHOUT KNOWING THAT THERES A LOT OF PEOPLE SUFFERING. MEANWHILE THIS OLD LADY RELAXING WITH THE MONEY SHE GOT.

  6. 1. Paano magpa-plantsa kung walang kuryente? Kung uling naman ang gagamitin, saan kukuha kung lahat ay basa? Hello? Sana isipin niyo rin kung ano pa ang problema. Sana tumulong din po kayo. Hindi ‘yung sinasabi niyong challenge ito ng mga guro. Hindi niyo po kasi napagdaanan ang mga nangyari ngayon kaya simpleng sabihin niyo lang po ito.

  7. Pwede ren naman yang wag munang Pag bigyan ng oras marami mga kabataan ang kailangan ng tulong ngayon Hindi yung uunahin payan maraming lugar ang kailangan ng tulong ngayon katulad ng, cagayan, Isabela,bicol dahil sa nasalanta Sila ng malalakas na bagyo

    1. “Halimbawa, nabasa ang module, siguro hindi naman susulat ang [schools] superintendent na, ‘basa ang module namin.’ Maghanap sila ng paraan. Siguro ibibilad nila, ‘yung iba pinaplantsa. Hindi na sila uutusan ng circular galing sa central office para sabihin kung ano ang gagawin,” Briones said.. nakita ko po ito sa rappler news. search niyo po

  8. May budget pambili ng Strada vehicles pero wala pang replace ng modules? Nakalimutan niyo na po ba na ang DepEd ay para sa estudyante? Wala nang mga bahay ang students and teachers, magbibilad at magplaplatsa pa ng modules aatupagin nila? Sec. Briones, I am very disappointed in this narrow-minded, elitist approach. There are no words foul enough to describe you.

  9. Why not to try na ibilad mo utak mo baka sakaling gumana?Sa gantong pangyayari isisingit mo pa yang module na yan.I’m not against sa pamamalakad mo pero sobra na to sa panahong mas kailangan ng suporta at tulong mas dadagdagan mo pa ang paghihirap.Nakarating ka sa posisyon mong yan na alam mo ang kahalagahan ng buhay at ng edukasyon!Ibilad at plantsahin,come on sana ganon lang kadali na mas uunahin pa nila ang module na basa kesa sa drain at pagod nilang isip.Pasensiya ka na ha,Godbless.
    -concern students-

  10. maraming Bata ang nagugutom at mahihirap dahil sa nagdaan na bagyo at Ang mga kabahayan ay nasira at nalunod dahil sa baha tapos sasabihin nyu ibilad at planstahin nasisiraan ata kayo ng ulo I’m sorry but it’s your responsible to understand what situation right now! Imbis na patigil muna at hayaan makabangon tulungan nyu sila hindi yung kayo pa sakit sa ulo mahirap na ang pilipinas kung tutuusin mabagal pa Ang pagusad ng gobyerno sa pagtulong sa pamimigay ng relief goods Ang ibang tao humihingi na ng tulong dahil nasa bubong na sila marami ang nalulunod juskoo tapos Yan pa nasa isip nyu wag kayong ganyan!

  11. i can’t believe how insensitive briones is tangena ang lakas ng loob nyang sabihin na ibilad at plantsahin ang modules na nabasa ng ulan while a lot of people are suffering and dying and you’re here still thinking of the modules!?tangena may respeto ako sa matatanda pero mukhang mawawala ngayon

  12. THE AUDACITY FOR HER TO SAY THIS AND TO WORRY ABOUT THAT **** MODULES WHILE CHILDREN ARE LITERALLY SUFFERING, DROWNING AND DYING. WHAT THE ****?? **** IKAW KAYA ILUNOD KO SA CAGAYAN, **** KAYO

  13. **** yan!!! Wla **** deped!!! D ko nlng pag aralin anak ko this yr kesa naman bugbugin ko sila sa pag aaral ngaung taon pra lang sa mga **** katulad ng deped!!!
    Panu kung durog durog na ung module? Anu pa matutunan nila?! Mapapatuyo mo pa ba at maplantsa ang durog na na module dhil sa baha?!!! Mag isip kayo ng tama deped hindi ung srli nyo iniisip nyo!!! Di lahat ng pilino kasing yaman nyo!!!! ****!

  14. Me concerned po sana ko na lalo po sa ibang grades na wag masyadong bigyan ng madaming modules. Na i stress po ang iba na bata pag madami ng sinusulat grade 1 po lets say
    P.E 3 modules
    Sining 3 modules
    MTB 5 modules
    Esp 3 modules
    Plus home room pa.

    High skul din po umaabot ng 20 modules ang pinasasagutan maging aware din po sana ang ilan di po porke sa bahay sinasagutan eh di po na p pressure ang mga bata. Pano po of me parents na hindi naka pag aral? Sino na lang po ang mag gu guide sa mga iyon. Sana mabigyan pansin po.

    1. Relate po i’m a highschool student sa grade 7 palang po pero parang mas hirap pa kami pag ganito, minsan naiiyak nalang ako na baka bumagsak ako or what minsan pa hindi na tinanggap yung isang activity na pinagawa samen, and natakot ako don kase sobrang strict ng auntie ko sobrang nakakapressure even though i always think positive pero maya maya andyan nanaman yung pag ooverthink ko tsaka anxiety anong oras na din kami natatapos gumawa ng modules minsan inaabot kami ng madaling araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *