Isang content creator na nagngangalang Ashier Hernandez ang nakaharap sa batikos online matapos niyang ipahayag na ang kanyang mga tagumpay ay bunga ng kanyang sariling pagsisikap at hindi dahil sa Diyos.
Ang kontrobersiya ay nagsimula sa isang viral na Facebook post kung saan ipinakita ni Ashier ang kanyang pag-uusap sa isang fan na nagkomento sa kanyang bagong property. Sinabi ng fan, “Sana ol, grabe talaga si Lord magbigay no? Sana ako din sa susunod.” Sumagot si Ashier, “Ay, di po galing kay Lord yan. Galing po yan sa hard work ko hehehe.”
Sa isang mas mahabang post, ipinaliwanag ni Ashier ang kanyang pananaw, na nagsasabi na hindi dapat laging i-credit ang Diyos sa mga tagumpay ng tao. “Ikaw naman ang nagtrabaho, ikaw ang nagpakahirap. It’s your goal, not God’s goal,” aniya. Dagdag pa niya, “Guide lang naman si God sa mga gusto natin. Gusto ko lang sabihin na hindi siya tagapagbigay, siya ay isang guide lang.”
Ang kanyang mga pahayag ay nagdulot ng halo-halong reaksyon mula sa netizens. Marami ang nagalit at nawalan ng respeto sa kanya, habang ang iba naman ay sumang-ayon, sinasabing tama si Ashier na ang pagsisikap ng tao ang dapat bigyan ng kredito.
SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER
Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.