Skip to content

DBM assures salary increase for public school teachers


DBM or the Department of Budget and Management has confirmed and assured the public school teachers that the salary increase will start in January 2020. This has been part of the dialogue between the DBM and the Alliance of Concerned Teachers – Philippines (ACT).

Several issues have been also discussed concerning the welfare of public school teachers in the country regarding salary increase and other benefits.

This report is first posted on Manila Public School Teachers Association – MPSTA ACT NCR UNION official Facebook Page. Below is the dialogue between DBM and ACT (Alliance of Concerned Teachers) – Philipines.



Ulat sa naganap na Dayalogo sa pagitan ng DBM at ng Alliance of Concerned Teachers – Philipines.

Matapos ang ating piket sa tarangkahan ng DBM ay hinarap tayo ng kanilang mga opisyal. Narito ang ilan sa mga napag-usapan:

1. Hinggil sa Dagdag na Sahod
Nakapagpasa na ng salary schedule ang DBM sa kongreso at senado na ang laman ay ang P31B pa rin, hindi pa ito na-adjust sa Senate-approved budget for salary na P63B. Ngunit sinigurado nila na mayroong salary increase sa darating na Enero 2020.

2. Hinggil sa Teacher items (Teacher I to VII) and adjusted salary grades
Naihapag na ito ng DepEd sa DBM at natukoy ang mga kahinaan nito. Gayumpaman, nilinaw ng DBM na hindi pa ito na-budgetan para sa darating na taon. 2021 pa ang kanilang timeline para sa pagpapatupad nito.



3. Hinggil sa status ng PBB
Hindi pa idineklarang “eligible” ang DepEd sa pagkakaroon nito. Nobyembre 19 pa lamang natanggap ng DBM ang reports mula sa DepEd. Nasa proseso ito ng validation and evaluation kaya sa susunod na taon pa ito posibleng makuha ng mga guro.

4. Update sa P500 vetoed medical allowance
Nasa legal department na ito ng DBM, titingnan nila kung posible pa itong maibigay at kunsakali ay sisikaping matanggap ito ng mga guro ngayong Disyembre.

5. Paglilinaw sa monetization ng service credit
Pag-aaralan ng DBM ang ruling ng CSC hinggil sa pagbibigay ng monetization sa ating service credit.

Mananatili pong mapagbantay ang ating unyon para sa ating sahod, benepisyo, at karapatan! 2K di sapat, 30K dapat! Salary Increase Now!



Tuloy-tuloy ang Laban!✊????


SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *