Skip to content

Mga dapat malaman sa DepEd Commons FREE access


Ang DepEd Commons ay isa sa mga proyekto ng Kagawaran ng Edukasyon upang matulungan ang mga mag-aaral dahil sa pagkahinto ng klase sa buong bansa dahil sa coronavirus.

Ang DepEd Commons ay naglalaman ng mga online resources, workseets, videos at activities. Ang mga itoy ay maaring e access online pero may mga iba na pwedeng e download at gamitin offline o kahit walang internet.

Kailangan may internet para ma access ang mga ito, pero kamakaylan lamang naglabas ng anunsyo ang Globe at sumunod agad ang Smart na libre nang ma access ang DepEd Commons pero maraming tanong ukol dito talaga bang libre lahat o may limitasyon.



Narito ang pahayag ni Edtech head unit Mark Anthony Sy para sa tanong tungkol sa DepEd Commons Free Access.


Para sa lahat ng mga nagtatanong:

Question#1: Sir Mark, sabi nila free access ang DepEd Commons pero bakit kapag click ang links nagsasabi na may payment at chacharge daw?

Sagot: Free ang access sa DepEd Commons but when click the activities that has LINKS, mayroon itong charges talaga dahil lalabas ito sa DepEd Commons.
Noong nagdeklara ng Community Quarantine noong Marso, ang naisip ng DepEd ay matugunan kaagad ang pangangailangan for 4th Quarter. Un ang naging solusyon as a supplemental tool.



Question#2: Paano po un, need pala ng internet access eh kailangan po sa pag-aaral?

Sagot: First Quarter na ba? Di ba consiered na bakasyon ngayon? Sa kasalukuyan, hinahanda po ng DepEd ang mga kagamitang ebook interactives para magamit sa nalalapit na pasukan. Ito ung mga kagamitang pdeng maaaccess at madownload ng Free Access. Kaya habang tayo po ay naghihintay, nakalatag sa DepEd Commons ang mga review materials na maaaring magamit sa pagbabalik-aral.

Question#3: Kailan po namin makikita ung Free Access na aralin para sa First Quarter?

Sagot: Hintay po kayo, siguro mga May 10-15, 2020 ay available na ang ilan sa mga materials na Free Access at downloadable. Para makapaghanda ang mga guro at advanced study sa mga mag-aaral. Magkakaroon kasi ito ng another menu tool for selection ng Quarter or Semester para kung anong Quarter lamang ang maviview mo na lessons. Ang hirap di ba ng halo halo, gusto natin makita agad kung ano ung specific na lesson sa bawat week.



Question#4: Ano ang maaaring laman ng downloadables na FREE ACCESS?

Sagot: Interactive ebooks and modules, PowerPoint, Handouts, Activity Sheets, Instructional Videos, Educational App Games

TANDAAN: May dalawang button sa DepEd Commons. Kapag LINK, connected dapat un sa internet. Kapag DOWNLOAD, iyon ang free access.

Sana ay nakatulong. Pasensya na kung mahaba.



Patience is a virtue. Kaya pahintay pa nang kaunti sa mga downloadables. On-going ang training sa mga personnel ng DepEd.


Ayaon sa Facebook Page ni Usec Alain Pascua ang DepEd commons ay may higit 5 milyon users na.

deped commons

SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


3 thoughts on “Mga dapat malaman sa DepEd Commons FREE access”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *