Walang pondo na nakalaaan ang Department of Education (DepEd) para sa pampagamot at pampa-ospital ng mga guro at iba pang kawani nito sakaling tamaan sila COVID-19.
Inamin ng kagawaran na wala sa budget ng pamahalaan ang pagpapagamot ng mga guro para sa COVID-19 at tanging ang mga gamit para mapatupad ang “minimum health standards” lamang ang napaglaanan ng pondo.
“COVID medication and treatment funding/budgets are not present or appropriated in the existing budget of DepEd. And I think it is true for all national government agencies,” ani Education Undersecretary Annalyn Sevilla.
“What has been allowed to be charged to DepEd funds are the supplies needed for the compliance with the minimum health standards,” dagdag niya.
Matatandaang nauna nang sinabi ng grupong Teachers Dignity Coalition na nakatanggap sila ng mga ulat na may mga gurong nagkasakit ng COVID-19 habang nagre-report sa mga paaralan.
Sa kabila nito, sinabi ni Sevilla na nag-ambagan naman ang mga empleyado ng DepEd para magkaroon ng pondo na magsisilbing ayuda sa mga guro o kawani ng kagawaran na magkakasakit ng COVID-19.
“For those employees who opted to be treated in private hospitals, they also got assistance from DepEd, but not from the [DepEd] funds but from the personal contributions and collective efforts of the DepEd family,” ani Sevilla.
Dati nang hinimok ang DepEd na ibalita ang bilang ng mga guro at kawani nito na tinamaan na ng sakit na COVID-19, at mahigpit na ipatupad ang “work from home” na polisiya sa mga lugar na nasa ilalim pa ng modified enhanced community quarantine (MECQ).
SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER
Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.