Skip to content

#DepEdErrorWatch: Paano mag-ulat ng mga mali?


Maaaring makatulong ang mga netizen sa pagpuna at pagtatama ng mga mali sa mga self-learning module at mga video lesson sa pamamagitan ng hashtag #DepEdErrorWatch.

Binuksan ng Department of Education (DepEd) ngayong linggo ang iba’t-ibang plataporma para sa pag-uulat ng mga maling makikita. Imomonitor aniya ng ahensya ang #DepEdErrorWatch sa social media para maaksyunan ang mga reklamo ng mga netizen.

Kahit sino ay maaaring magsumite ng reklamo sa DepEd sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected]. Maaari din mag-text at mag-message sa pamamagitan ng Viber sa numerong 0961-680-5334.



Bukod dito, tumatanggap din ang DepEd ng mga reklamo sa Facebook sa pamamagitan ng DepEd Error Watch account, at sa Workchat.

Maaaring ireklamo umano ang mga mali na mapupuna sa mga self-learning module, DepEd TV, DepEd Commons, at sa DepEd TV Youtube Channel ayon kay Education Undersecretary Alain Pascua.

“The goal of this initiative is to receive and collate reports of errors found in different learning materials to forward these to the appropriate offices for validation and correction,” ani Pascua.

(Ang gusto natin ay tumanggap at malipon ang mga ulat ng mga mali na makikita sa iba’t-ibang learning material para maipasa ito sa mga nararapat na opisina para makumpirma at maiwasto.)



Matatandaang inulan ng reklamo at batikos ang DepEd noong nakaraang linggo, kasabay ng pagsisimula ng klase, dahil sa mga maling lesson na makikita sa ilang module. Napuna rin ang isang maling lesson sa math na ipinalabas sa DepEd TV.

Humingi na ng paumanhin ang DepEd para sa mga mali.




SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *