Skip to content

DOTA at Mobile Legends balak isali sa Palarong Pambansa


Isa sa pina patok na laro ngayon sa mga kabataan ay ang larong Mobile Legends o ML. Ang ML ay isang laro sa Smartphone kung saan may limang myembro kada grupo. At sila ay maglalaban sa isang limited na mapa. Ang goal ng laro ay sirain ang pinakasentrong base ng kalaban nila. Ang DOTA ay walang masyadong pinagkaiba pero ito ay linalaro sa kompyuter.
Ang ML ay kinokonsider na isang isport na kung tawagin ay e-sports. Sa katunayan, ilang online games ay kasali sa gaganaping Southeast Asian Games dito sa ating bansa.
Sa panayam kay Revsee Escobedo ang kasalukuyang DepEd (Department of Education) undersecretary at seceretary-general sa Palarong Pambansa 2019 ay hindi pa napag-uusapan sa Palaro Board ang Pagsama ng e-sports gaya ng ML at DOTA.
Pero kung isali man ito ayon kay Escobedo ay kailangan timbangin ang maganda at negatibo. Sa ngayon ang focus ng mga opisyal ng DepEd ay ang holistic development ng mga bata. Prayoridad ng Palaro Board ang pagpapalakas ng motor at pisikal na skill ng mga batang manlalaro.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng MailPH ang pinakabago’t pinagkakatiwalaang source ng balita.
Source


SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *