Pag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang apela ng ilang guro para sa internet allowance sa darating na pasukan dahil sa inaasahang dagdag na gastusin dulot ng ‘blended’ learning.
Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, kasama ang apela ng mga guro sa mga pag-aaral ng kagawaran ng mga gastusin.
“Tinitingnan mabuti ‘yan ng DepEd dun sa kaniyang pagre-review ng allocation ng budget. Kung may mga portions tayo na maibibigay suporta then we will do that dahil kinikilala namin na ‘yan ay malaking gastusin ngayon in the delivery modalities na distance learning or blended learning,” ani Malaluan sa isang online press briefing.
Dagdag pa ni Malaluan, pinag-aaralan din umano ng DepEd ang pondo na kakailanganin para sa mga online training at webinar ng mga guro.
Mayroon na rin kasing mga guro na dumadaing sa dagdag na gastos para sa internet at kuryente para makasali sa mga webinat at iba pang online training ng DepEd.
Matatandaang umapela ang grupong Teachers’ Dignity Coalition para sa dagdag na buwanang P1,000 internet allowance para sa ‘blended’ learning habang ipinagbabawal pa ang pisikal o face-to-face na mga klase.
Nauna nang nagbigay ng P3,500 na cash allowance ang DepEd sa mga guro bilang “chalk allowance” para sa darating na pagbubukas ng klase.
SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER
Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.
Nice blog! It’s nice to know that Deped are making some actions regarding on additional intenet data allowance especially in this time of pandemic.
Nice blog! It’s nice to know that Deped is pursuing in our need of internet data allowance especially at this time.The students badly needed internet data at this time of pandemic for their online learning.
Maam paano po kung nag fill up ako online noon na ang gusto ko po para sa anak ko is online learning pero nagfill up ako ulit sa brgy.namin na ang gusto ko na po para sa anakk ko ay module n kc ang hirap po ng signal dto sa amin kawalan din po ng magagamit n tablet or cp po module po ang mas mainanm para ndi pa po masira ang kanyang mga mata salamat po
Maam paano po kung nag fill up ako online noon na ang gusto ko po para sa anak ko is online learning pero nagfill up ako ulit sa brgy.namin na ang gusto ko na po para sa anakk ko ay module n kc ang hirap po ng signal dto sa amin kawalan din po ng magagamit n tablet or cp po module po ang mas mainanm para ndi pa po masira ang kanyang mga mata salamat po