Skip to content

Kasado na: Badyet para sa 5,000 Non-Teaching Positions sa DepEd Inaprubahan


MANILA, Pilipinas — Inaprubahan na ni Budget Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang kahilingan ng Department of Education (DepEd) para sa paglikha ng higit 5,000 non-teaching positions sa fiscal year 2024. Ang hakbang na ito ay naglalayong mapagaan ang workload ng mga pampublikong guro sa buong bansa.

Ayon kay Pangandaman, ang pag-apruba sa karagdagang mga posisyon ay sumasalamin sa commitment ng administrasyong Marcos na bigyang-pansin ang kabuuang kapakanan ng mga guro at mag-aaral. Ito ay bahagi ng pagtupad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang campaign promise na hindi pababayaan ang sektor ng edukasyon.

“Our educators already have their plates full. By approving the creation of 5,000 non-teaching positions, we aim to relieve teachers of administrative tasks and allow them to focus on quality instruction. This move will significantly benefit our educators and enhance the country’s education system,” ani Pangandaman.



Ang 5,000 non-teaching positions ay kinabibilangan ng Administrative Officer (AO) 2 positions na may salary grade (SG) 11. Ang mga ito ay ide-deploy sa iba’t ibang school division offices at mga paaralan sa Cordillera Administrative Region, National Capital Region, Regions 1, 2, 3, 4-A, 4-B, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, at Caraga.

Ang pondo para sa mga posisyon ay manggagaling sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund ng FY 2024 General Appropriations Act, habang ang Retirement at Life Insurance Premium ay babayaran mula sa Automatic Appropriations.

Upang maisakatuparan ang layuning ito, naglabas na ang DepEd ng DepEd Order No. 002, s. 2024, na nag-uutos ng pagtanggal ng mga gawaing administratibo mula sa workload ng mga guro, upang sila ay makatutok sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto.


SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *