Skip to content

Lalaki, Pinagbabaril sa Bisperas ng Kasal sa Laoag


Patay ang isang 59-anyos na lalaki matapos pagbabarilin sa harap ng isang convenience store sa Barangay 5, Laoag City, Ilocos Norte, Miyerkules ng madaling araw.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakaupo sa kanyang motorsiklo ang biktima nang lapitan siya ng isang hindi pa nakikilalang lalaki at pagbabarilin nang sunod-sunod. Tinamaan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Agad tumakas ang suspek sakay ng motor, bitbit ang ginamit na baril.



Bagamat naisugod pa sa ospital ang biktima, binawian ito ng buhay dahil sa mga natamong sugat. Sa crime scene, narekober ang ilang basyo ng bala mula sa kalibre .45 na baril.

Napag-alaman ng pulisya na ngayong araw sana ang kasal ng biktima sa kanyang live-in partner.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at kasalukuyang sinusuri ang mga CCTV sa paligid ng crime scene upang makilala ang salarin. Pinag-aaralan din ang posibleng motibo sa likod ng pamamaslang.


SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *