Skip to content

“Only Print In School” (OPIS) Policy, ipinatupad sa isang paaralan

  • by

Isang paaralan sa Cabanatuan, Nueva Ecija ang nag viral sa social media dahil sa ipnatupad nilang “Only Print in School” o OPIS Policy. Ayon sa bagong punong-guro ng ACA Elementary School layunin nito na huwag agawin ng trabaho ang oras ng mga guro na dapat ay inilalaan nila sa kanilang pamilya.

Tinagubilinan rin ang mga guro na unang gamitin ang mga printer ng paaralan at hindi ang kanilang mga personal na printers.

Maraming sa ating netizens ang natuwa sa polisiyang ito at sigurading maraming teachers din ang nais nito sa kanilang paaralan, kung ang paaralan ay may sapat na kagamitan para sa printing ng lahat ng modules.



Basahin ang buong pahayag ng paaralan sa kanilang opisyal na Facebook Page.

“OPIS Policy, ipinatupad; mga guro sa ACA Elementary School, pinagbawalang mag-print sa bahay
Pinagbawalang mag-print sa bahay ng mga Self Learning Modules (SLM) at Other Learning Activity Sheets (OLAS) ang mga guro ng ACA Elementary School.

Ito ay matapos simulang ipatupad ngayong linggo sa paaralan ang Only Print In School (OPIS) Policy na nag-eenganyang huwag mag-uwi ng mga printing tasks ang mga guro.

Ayon sa bagong punong-guro ng ACA Elementary School na si G. Allan David Valdez, layunin ng polisiya na huwag agawin ng trabaho ang oras ng mga guro na dapat ay inilalaan nila sa kanilang pamilya.



Dagdag pa ni G. Valdez, paraan ng paaralan ang OPIS Policy na mapangalagaan ang mental health ng mga kaguruan sa pamamagitan ng pagbibigay ng oras ng mga guro sa kanilang pamilya.
Dahil sa polisiyang ito, nagtakda lamang ng mga araw ang paaralan kung kailan lamang mag-iimprenta ng mga SLM at OLAS ang mga guro.

Tinagubilinan rin ang mga guro na unang gamitin ang mga printer ng paaralan at hindi ang kanilang mga personal na printers.

Tinipon sa air-conditioned room ang 15 na printers ng paaralan na sabay-sabay na ginagamit ng nakatokang pitong guro na sinusunod ang basic standard health protocol.”

Ikaw anong masasabi mo sa polisiyang ito?




SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *