Skip to content

Opisyal na pahayag ng DepEd ukol sa diskriminasyon


Bilang mandato ng mga ahensya ng pamahalaan na protektahan at itaguyod ang dekalidad, pantay, nakabatay sa kultura, sapat at tamang edukasyon, hindi kailanman pinapanigan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang diskriminasyon sa pinagmulang lahi, kasarian, edad, relihiyon, o oryentasyong sekswal. Sa gabay ng mga internasyonal at nasyonal na balangkas ukol sa pagkakapantay-pantay, naglabas ang Kagawaran ng iba’t ibang panuntunan at nagsagawa ng mga pagsasanay upang panindigan ang zero-tolerance na polisiya laban sa disriminasyon.

Kaugnay nito, nais naming bigyang-linaw ang isyu sa Nueva Vizcaya kung saan parte ng isang locally-developed na dokumento ay nagpakita ng maling pagsasalarawan sa mga Igorot. Matapos ang aming internal na pagsisiyasat, ang nasabing dokumento ay dumaraan pa sa quality assurance process subalit na-imprenta ng ilan sa mga kawani ng paaralan. Nais naming bigyang-diin na ang nasabing draft na dokumento ay hindi naipamahagi sa mga mag-aaral sapagkat ang mga field offices sa lugar ay gumawa ng aksyon matapos malaman ang insidenteng ito, at agaran binawi ang dokumento.

Hindi dapat magkaroon ng puwang ang diskriminasyon sa ating lipunan. Ang ating paglaban upang masiguro na edukasyon ay nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at respeto sa isa’t isa ay isang mahabang lakbayin pa, kaya naman sinisiguro ng Kagawaran na gagawin nito ang kaniyang parte upang masugpo ang diskriminasyon sa mga paaralan at opisina. Handa ang Kagawaran sa pagsugpo sa mga ganitong gawain. Para sa modyul at iba learning materials, maaaring magpadala ng publiko ng kanilang mensahe sa DepEd Error Watch.



Gayumpaman, naniniwala kami na ito ay hindi lamang laban ng DepEd. Kailangan naming ng tulong at suporta ng iba pang ahensiya, lokal na pamahalaan, midya, mga pinuno ng iba’t-ibang sector ng lipunan, mga mamamayan, mga magulang, at iba pang stakeholders upang bumuo ng mas ligtas, mas magalang na lipunan para sa kabataan.


SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


1 thought on “Opisyal na pahayag ng DepEd ukol sa diskriminasyon”

  1. nagtatanong lang po ano na po ang nagyari sa CNA namin may makuha pa ba kami at bakit 6890 lang ang nakuha namin sa 7000 na bigay ng pangulo nagtatanong lang po

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *