Naglaan ng P500 milyon ang Parañaque para sa mga gadget at allowance ng mga mag-aaral sa mga pampublikong paaralan para sa darating na pagbubukas ng klase sa gitna ng krisis dulot ng new coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Parañaque Mayor Edwin Olivarez, ang P300 milyon ay gagamitin bilang pambili ng halos 7,000 tablet para sa mga mag-aaral mula kinder hanggang grade 1, at nasa 300 laptop naman para sa mga guro.
“Sa halip na maglaan ng mga tablet sa mga mag-aaral sa high school, ang mga miyembro ng aming local school board ay nagpasya na mag-isyu ng gadget sa kinder at Grade 1 na mga mag-aaral,” ani Olivarez.
“Sa ngayon, ang computer ay isang formative na karanasan para sa isang bata upang malaman ang pinakamahusay sa buong mundo,” dagdag niya.
Ipamimigay umano sa Hulyo ang mga tablet na may kasamang sim card, pati na rin ang laptop ng mga guro.
READ: Mga guro sa San Juan, bibigyan ng laptop
Samantala, inaprubahan din ng sangguniang panglungsod ang paglalaan ng P200 milyon para sa allowance ng nasa 16,000 mag-aaral sa junior at senior high school.
Ang bawat mag-aaral ay tumatanggap ng taunang allowance na nagkakahalagang P6,000.
Ang allowance ay naglalayong tulungan ang mga pamilya ng mga mag-aaral na makayanan ang mga pangangailangan sa edukasyon habang may COVID-19 pa, ani City Treasurer Dr. Anthony Pulmano.
Nagpahayag din ng suporta si Mayor Olivarez sa planong ‘blended’ learning ng Department of Education (DepEd) habang patuloy pa ang krisis dulot ng COVID-19.
Nauna nang inanunsyo ng DepEd ang pagbubukas ng klase sa ika-24 ng Agosto.
Featured image via Manila Bulletin
SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER
Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.