Skip to content

Salary increase ng mga guro tuloy pa rin sa 2021


Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na magpapatuloy ang salary increase ng mga guro sa mga public school at mga kawani ng ahensya na kabilang sa 2021 national budget.

Nasa P475 bilyon ang inilaan sa mga serbisyo ng ahensya kabilang na ang sahod, allowance at mga benipisyo ng mga guro at empleyado ng ahensya ani DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla.

“By next year meron naman pong salary increase. Ito ‘yung second tranche noong Salary Standardization Law,” ani Sevilla.



“Meron pong kasiguraduhan sa ating mga guro na naka-employ ngayon,” dagdag pa niya.

Batay sa isinumiteng budget ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso para sa taong 2021, nabatid na tumaas ng 13.54 percent ang pondong nakalaan sa DepEd kumpara sa P418.4 bilyon na nakalaan sa ahensya para sa taong 2020.

Sang ayon na rin sa batas, ang sektor ng edukasyon ang nakakuha ng pinakamalaking budget sa ilalim ng national expenditure plan.

Nauna nang nagpabatid ng pagkabahala ang ilang grupo ng mga guro ukol sa sahod at allowance nila dahil sa dagdag na gastos na dulot ng distance learning. Ito ay matapos umaray ang ilang guro sa kakulangan ng kagamitan—gaya ng mga gadget at internet connection—para sa distance learning.



Nakatakda naman magbigay ng incentive ang DepEd para sa mga guro sa pampublikong paaralan sa darating na Oktubre kasabay ng paggunita ng World Teachers’ Day.

BASAHIN: DepEd says preparing benefits package for teachers


SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *