Skip to content

TDC, nilinaw ang umento sa lahat ng posisyon (under the proposed SSL V or SB 1219)


Nilinaw ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang umento sa lahat ng posisiyon (under the proposed SSL V or SB 1219). Basahing maiigi at pagaralan ang pagkalahad ng umento.

Narito po ang magiging umento kung sakaling tuluyang ipapasa na ang SB 1219. Para sa kaalaman ng lahat, ang SB 1219 ang consolidated version ng iba’t ibang panukalang SSL sa Senado- SB 49, Sen. Recto; SB 200, Sen. Go; SB 1006, Sen. Recto; at SB 1136, Sen. Villanueva. Kaya huwag niyo nang hanapin ang SB 49 na one of the earliest versions ng SSL filed in the Senate (at naunang kumalat sa internet).

Kung bakit attributed kay Sen. Revilla ang SB 1219 ay dahil siya ang nagbigay ng sponsorship speech bilang Chair ng Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulations sa Senado (dating hawak ni Sen. Trillanes). Kasama niya sa pangunahing nagsumite nito si Sen. Sonny Angara na Chairman ng Senate Finance Committee. Ang dalawang komiteng ito ang siyang tumalakay sa lahat ng mga panukalang umento sa sahod ng mga kawani ng gobyerno.



Sa kasawiang-palad ay hindi naisama sa mga naikunsidera sa umento ang apat na panukala hinggil sa P10,000 across-the-board increase para sa mga guro (Zubiri, Pangilinan, Cayetano at Recto). Nanatiling ang SSL ang pinaboran ng gobyerno at isinama muli tayong mga guro sa lahat ng kawani samantalang may rekomendasyon naman ang ating Magna Carta para sa isang mas makatarungang pasahod.

Note:
First Column- Salary Grade, tingnan kung ano ang SG ng inyong posisyon. Halimbawa SG-11 ay Teacher 1; SG 14 ay Head Teacher I; SG 18 ay Master Teacher I; at SG 19 ay Principal I, lahat ito ay for Step 1.

Second Column- Ang 4th tranche ng ating salary under P-Noy’s EO 201 (SSL-IV) na effective from January 1 to December 31, 2019.

Third Column- Ang 1st tranche ng proposed SSL V (SB 1219), na kung maaprubahan sa natitirang araw ng 2019 ay magiging effective mula January 1 to December 31, 2020.



Fourth Colum- ang amount ng increase for the first tranche (SSL V 1st tranche minus SSL IV 4th tranche), lahat ito ay sa Step 1.

Fifth Column- Ang total percentage ng increase mula 2020 hanggang 2023. Halimbawa ang Teacher I na sa kasalukuyan ay P20, 574 magiging P27, 000 sa 2023 o kabuuang umento na P6, 246 o 30.10%

-Teachers’ Dignity Coalition (TDC)


SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Tags:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *