Skip to content

Binatang Namitas ng Talbos, Tinaga ng Kapwa Magsasaka sa Nueva Vizcaya

  • by

Sugatan ang isang 25-anyos na magsasaka matapos umanong tagain ng kapwa niya magsasaka nang mamitas ito ng talbos ng gulay sa isang kagubatang bukid na walang pahintulot, pasado alas-6:30 ng umaga nitong Hulyo 27, 2025, sa Sitio Mabo, Barangay Biyoy, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Ayon sa ulat ng Kasibu Police Station, kinilala ang biktima bilang isang binatang residente ng nasabing lugar, habang ang suspek ay isang 29-anyos na magsasaka rin na naninirahan sa parehong sitio.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, namitas umano ng tangkay at talbos ng gulay ang biktima sa lupang pag-aari ng suspek. Dahil dito, nagalit ang suspek, pinuntahan ang biktima sa bahay nito at bigla na lamang tinaga sa likurang bahagi ng katawan, partikular sa kaliwang balikat.



Matapos ang pananaga, mabilis na tumakas ang suspek patungo sa masukal na bahagi ng kagubatan.

Isinugod naman ng mga kamag-anak ang duguang biktima sa Mangandingay District Hospital sa Cabarroguis, Quirino para sa agarang gamutan.

Agad namang nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad, ngunit hamon sa paghahanap ang kakulangan ng signal sa lugar at ang halos tatlong oras na lakbay mula sa bayan patungo sa pinangyarihan ng insidente.



Patuloy ang imbestigasyon at pagtugis sa suspek.


SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *