Skip to content

Ilocos Norte nagpahayag ng suporta sa blended learning


Nagpahayag ng suporta sa blended learning ang probinsya ng Ilocos Norte para sa darating na pagbubukas ng klase sa ika-24 ng Agosto.

Sa isang pahayag, nangako si Gobernador Matthew Marcos Manotoc na makikipagtulungan ang probinsya para maisakatuparan ang ‘blended’ learning sa lugar sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.

Nauna nang sinabi ng Department of Education (DepEd) na bawal ang tradisyunal o ‘face to face’ na klase habang wala pang lunas o bakuna laban sa COVID-19.



“We once again pledge our cooperation in implementing necessary protocols and ensuring every school is well-protected,” ani Gob. Manotoc.

(Nangangako kaming makikipagtulungan para sa implementasyon ng mga kinakailangan na protocol para masigurong protektado ang mga paaralan)

“We will be closely working with the local government units (LGUs) to keep our students, teachers, and staff safe from the threats of the disease,” dagdag ng gobernador.

(Makikipag-ugnayan kami sa mga LGU para masigurong ang mga mag-aaral, guro, at staff ay ligtas mula sa COVID-19)



Sisiguruhin din umano ng pamahalaang pamprobinsya ng Ilocos Norte na maisasakatuparan ang blended learning sa lugar.

“Despite the difficulties of distant and technology-assisted learning methods, we will all collaborate in order to give the best education possible,” ani Go. Manotoc.

(Sa kabila ng mga hirap dulot ng distant at technology-assisted learning, makikipagtulungan kami para mabigyan ng magandang edukasyon ang mga mag-aaral.)

Sa ilalim ng panukalang blended learning, gagamit ang mga mag-aaral ng mga print module, at mga leksyon sa internet para maipagpatuloy ang kanilang edukasyon. Ani ng DepEd, gagamit din umano sila ng radio at telebisyon para sa edukasyon.



BASAHIN: Duterte: Distribute radios to students without gadgets for distance learning

Photos via DepEd Philippines and PGIN CMO


SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *