Nagtayo ng tent sa gilid ng kalsada sa Maco, Davao de Oro ang mga guro para makakuha ng signal at makasali sa tatlong araw na webinar ng Department of Education (DepEd).
Kinailangan pa umanong umakyat ng mga guro sa lugar na pinagtayuan ng tent dahil mahirap umano ang signal sa lugar ayon kay Jeson Arias Celebre na nag-post ng larawan noong Miyerkules.
Nasa 15 minuto ang nilakad ng mga guro mula sa paaralan papunta sa lugar kung saan makakasagap ng signal.
Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd-Davao Region na ang tatlong araw na webinar na tinatawang na “The New Normal Classroom Modality Teaching” ay bahagi ng paghahanda sa mga guro para sa ‘blended’ learning sa nakatakdang pagbubukas ng klase sa ika-24 ng Agosto.
Bagaman hindi umano katanggap-tanggap ang kakulangan ng gamit at internet para sa mga guro, pinapurihan ng DepEd ang tiyaga ng mga guro sa larawan.
“The teachers in these photos are laudable, let alone edifying. Despite the lack of resources like internet connection, these teachers went out of their way to be connected. They went out of their way to find means to help themselves, to help the schools division that they belong,” ani DepEd-Davao Region.
Nangako rin ang DepEd na sisigurihin nitong may sapat na kagamitan ang mga guro para sa pagbubukas ng klase.
“No excuses though for lack of equipment or internet connectivity especially in the far-flung areas. But DepEd will make sure the needed resources for the new learning modalities will be provided them before the opening of classes,” dagdag ng ahensya.
SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER
Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.