Skip to content

DepEd nagpasalamat sa suporta para sa blended learning


Nagpasalamat nitong Lunes ang Department of Education (DepEd) sa tulong at suporta ng iba’t-ibang sektor para sa darating na pagsisimula ng blended learning.

Sa ilalim ng blended learning, gagamit ang DepEd ng mga printed module, internet, radyo, at telebisyon para maipagpatuloy ang edukasyon habang patuloy ang banta ng COVID-19.

Ayon sa DepEd, sisikapin nitong maisakatuparan ang Basic Education-Learning Continuity Plan (BE-LCP) para sa school year 2020 hanggang 2021.



Ang BE-LCP ay isang komprehensibo at evidence-based na alituntunin para sa Kagawaran at mga stakeholder nito sa pagsagot sa hamon ng edukasyuon sa gitna ng krisis

“Lubos ang aming pagtanaw ng pasasalamat sa mga pamunuan ng pamahalaan at iba pang katuwang namin sa pagsiguro ng kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at mga magulang sa ganitong sitwasyon,” ani DepEd.

Dagdag pa ng DepEd, inaasahan nito na darami pa ang mga mag-eenroll sa huling lingo ng enrollment ngayong Hunyo. Batay sa huling tala ng DepEd, higit 13 milyon na ang nag-enroll para sa darating na pagbubukas ng klase sa ika-24 ng Agosto.

“Inaasahan namin na darami pa ang mga magpapalista sa nalalabing araw ng enrollment period,” ani DepEd.



Nangako rin ang DepEd na patuloy ang paghahanda ng kagawaran at mga guro para sa darating na pagbubukas ng klase.

Makikipagtulungan din umano ito sa pribadong sektor upang paghandaan ang iba’t-ibang learning delivery modes na iaalok kapag nagsimula na ang mga klase.

“Hindi kami titigil na humanap pa ng mga organisasyon at institutsyon na bukas para makipagtulungan dahil ang adhikaing nagkakaisa ng marami ay siyang magigigng susi para malampasan natin ang mga hamon na ito,” ani DepEd.

BASAHIN: Duterte: Distribute radios to students without gadgets for distance learning




SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


1 thought on “DepEd nagpasalamat sa suporta para sa blended learning”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *