Skip to content

Kasal ng magkasintahang Igorot nagtrending dahil sa libu-libong panauhin


Trending ang kasal ng isang eduk gradweyt at kanya na ngayong kabiyak.

Kinasal si Andrew at Proline noong May 6, 2023 sa Oyao, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Dumalo sa ang mahigit kumulang 3,000 bisita mula sa iba’t ibang panig ng Benguet at karatig probinsiya nito. Dalawang araw ang handaan na may sayawan at tugtugan na ibinahagi ng bawat bisita para sa mga kinasal.



Hindi naman nagulat ang pamilya nina Andrew at Proline, ang kinasal sapagkat sa kulturang Igorot, hindi raw uso ang pagkakaroon ng ‘official invitation’ para makisaya at makikain.

Gayunpaman, dahil narin sa dami ng panauhin usang gabi bago ang opisyal na araw ng kasal, dinagdagan pa raw ang 15 na baboy at isang kalabaw na handa.

TOP 3 REASONS WHY YOU SHOULD EXPERIENCE AN IGOROT WEDDING BEFORE YOU DIE 🙂

If you read this post till the end, I hope…

Posted by igorot PH on Sunday, May 7, 2023

Ayon sa post, nasa kulturang Igorot ang patutulungan ng pamilya at buong komunidad sa kahit anomang bagay gaya ng kasal. Kahit walang propesyonal na wedding planner, masayang nagluto, naglinis, nagdecorate at tumulong sa paghanda ang humigit kumulang 100 kamag-anak at kaibigan ng pamilya ni Andrew at Proline.

Sa simbahan ng Living Intertribal Christian Mission Inc. o LICMI nasolemnize ang kasal at sa bahay ng groom ginanap ang wedding reception.




SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *