Skip to content

Estudyante, Binaril sa Loob ng Silid-Aralan sa Nueva Ecija

  • by

Isinasagawa ngayon ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay sa pamamaril sa isang 15-anyos na estudyante sa isang paaralan sa Nueva Ecija nitong Huwebes, ayon sa Police Regional Office (PRO) 3.

Nakikipag-ugnayan na ang PRO-3 sa pamunuan ng paaralan para matiyak ang kaligtasan ng ibang mga estudyante. Nagbibigay din sila ng tulong at counseling sa mga apektado.

Ayon kay Central Luzon Police chief Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones, nangyari ang insidente sa loob ng silid-aralan sa Barangay Rizal, Sta. Rosa bandang 10:45 ng umaga.



Batay sa paunang imbestigasyon, pumasok umano sa classroom ang suspek na kinilalang si “Leo”, at biglang bumunot ng .22-caliber na baril mula sa kanyang bewang. Binarel niya sa leeg ang biktimang si “Lea” bago rin barilin ang sarili.

Agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital ang dalawa para sa agarang gamutan. Wala pang inilalabas na detalye sa kanilang kondisyon.

Patuloy na iniimbestigahan ang motibo sa pamamaril at kung paano nakuha ng suspek ang baril.



Mariing kinondena ni Peñones ang insidente at nangakong agad lulutasin ang kaso.

“Paalala ito kung gaano kahalaga ang seguridad sa ating mga paaralan at ang pagbibigay-pansin sa kalagayan ng emosyonal at mental na kalusugan ng ating kabataan,” aniya.




SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *