Ang kasalukuyang panukalang pagtaas ng sahod sa Teacher 1 ay nagkakahalaga ng P30,000; ang Instructor 1 sa P31,000; at ang mga kawani naman na SG1 sa P16,000.
Ang ACT Teachers Party-list ay patuloy na titindig para ipaglaban ang pagtaas ng sahod para sa mga guro at lahat ng kawaning pamubliko. Patuloy nitong sisingilin ang mga pangako ng administrasyon na dagdag sweldo labas sa EO 201.
Mula pa noong una itong nahalal sa kongreso, tuloy-tuloy ang paghahain ng ACT Teachers Party-list ng mga panukalang batas para sa dagdag sahod ng mga guro at kawani. Ang kasalukuyang ipinanunugkala ng ACT Teachers Party-list ay ang HB 7211 kung saan itinataas ang sweldo ng Teacher 1 sa P30,000; ang Instructor 1 sa P31,000; at ang mga kawani naman na SG1 sa P16,000.
Sama-sama nating singilin ang pangako ng kasalukuyang administrasyon at ipaglaban ang dagdag sahod para sa mga guro at lahat ng kawani sa pampublikong sektor.
Ang boto para sa ACT Teachers Party-list ay boto para sa salary increase! Ishade sa balota, 83 ACT Teachers Party-list.
Source: ACT Teachers Party-List
SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER
Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.