Skip to content

Tutorial company to hire displaced private school teachers


Ayon sa datos ng Department of Education (DepEd), 856 na pribadong paaralan ang hindi magbubukas ng klase ngayong pasukan dahil narin sa pangamba na dulot ng COVID-19 pandemic.

Kasalukuyan namang naghahanap ang isang start-up venture company ng mga aplikanteng gustong magturo sa kanilang mga online tutorial at online classes. Naghahanap din sila ng mga workbook creators. Ayon sa kanilang hiring officer na si Abner Bayangan, priority nilang kunin ang mga aplikanteng galing sa private school na apektado ng COVID-19 pandemic.

Layunin ng Education PH na magbigay ng kalidad na online tutorial services at group classes na may kasamang workbooks sa mga preschool, primary, elementary at high school students. Mayroon silang 1-on-1 session package na may kasamang workbooks. Nag-ooffer din sila ng mga group classes para sa kanilang mga members. Narito ang link upang iyong mabisita ang kanilang website at makita ang kanilang mga learning packages: https://educationph.com/start/



Sa mga gustong mag-apply bilang online teacher at tutor, kailangan lamang mag-email ng resume/CV sa [email protected]. Sa mga gustong suportahan ang adhikain ng Education PH, mayroon silang Facebook page: https://www.facebook.com/educationphilippines


SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *