Skip to content

Egg layer farm sa Vizcaya, nagpapatugtog ng classical music at KPOP para sa mga manok?


Aakalain mong isang eskwelahan ang hen house ng Goldmount, isang layer poultry farm sa Oyao, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya.

Goldmount Farm located in Oyao, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya, Philippines



Hindi lamang masustansiyang patuka, vitamins at angkop na bakuna ang binubuhos na pag-aalaga ng may-ari sa mga paitluging manok. May sariling water station ang manukan para malinis na mineral water ang inuming tubig ng manok.

Higit sa lahat, may sariling digital stereo at surround sound system ang nakapalibot sa buong building na inorder pa sa Maynila ang may-ari. Nagpapatugtog sila ng classical music sa paniniwalang makatutulong ang musika para hindi ma-stress ang mga manok at maging maayos ang kanilang pangingitlog. Kanila ring ine-experiment ang KPOP genre kung ano ang magiging epekto nito sa egg production ng manok.

Audio bars for the piped music for the chicken.
A concert playlist with an audience of many.

Kung sa bansang Japan, pinapainom ng beer ang mga baka para sa isang malinamnam na Kobe steak para sa mga mayayaman. Hindi rin pala papahuli ang Pinoy sa paggawa ng kalidad na produkto lalo na kung ito ay para sa mga mahihirap.

Inspirasyon ng may-ari ng farm ang mga batang Pinoy na mahilig kumain ng itlog. Kahit mahirap ang buhay, nilalayun niyang makatulong sa mga magulang na mabigyan ng masustansiyang almusal ang mga anak. Aniya, hindi dapat mawalan ng pag-asa ang lahat ng gustong umasenso sa buhay. ‘Kumain, magpalakas at ituloy lamang ang laban.’



Gusto mo bang pakinggan ang kanilang playlist?


SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *