Skip to content

DepEd iimbestigahan ang mga reklamo ng harassment sa Miriam College


Iimbestigahan ng Department of Education ang mga reklamo ng harassment ng ilang estudyante at alumni ng Miriam College-High School laban sa ilang guro.

Kamakailan lamang ay nag-trending sa social media ang hashtag na #MCHSDoBetter kung saan ibinahagi ng ilang estudyante ng Miriam College-High School ang kanilang mga karanasan ng harassment na kagagawan umano ng ilang guro.

Ayon kay DepEd Undersecretary Tonisito Umali, sisiguruhin ng kagawaran na mayroong Child Protection Committee ang nasabing all-girls na paaralan sa Quezon City.



READ ALSO:
DepEd Commons users now at 8 million
Dapat bang ituro kung paano kumita ng pera sa mga paaralan?

 “Yan po ay talagang titingnan nating mabuti, iimbestigahan nating mabuti,” ani Umali sa isang panayam sa DZMM.

Pagsisiguro ni Umali, sineseryoso ng DepEd ang lahat ng reklamo ng harassment sa mga paaralan.

Nauna nang sinabi ng Miriam College noong Biyernes na bumuo sila ng komite para imbestigahan ang mga reklamo ng harassment.



Maaari umanong magsumite ng reklamo ng harassment simula Lunes sa email na [email protected].

“We encourage all aggrieved to speak out and voice their concerns to the Committee. Rest assured that all parties involved will be afforded due process through an impartial and objective proceeding,” ani ng Miriam College.

(Hinihikayat naming ang lahat ng may reklamo na sabihn ito sa komite. Makakaasa kayo na lahat ng partido ay mapakikinggan ang mga saloobin at pahayag sa isang patas na proseso.)

(Photo Courtesy of Merriam College)



READ MORE:
DepEd says to prioritize schools in far-flung areas for internet access
DepEd denies news of teachers convincing parents to enroll their children


SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *