Skip to content

Robredo nanawagan ng donasyon ng mga gadget para sa mga guro, estudyante


Nanawagan nitong Martes si Vice President Leni Robredo sa publiko na mag-donate ng mga lumang gadget na maaaring gamitin para sa pagpapatupad ng “blended” learning sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19.

Vice-President Leni Robredo (OVP)

Ayon kay Robredo, ang mga gadget na malilikom ng kaniyang tanggapan ay ibibigay sa mga guro at mga mag-aaral na walang sapat na pera upang bumili ng mga ito.

“Kahit hindi bago, ang mahalaga ay gumagana pa nang maayos at may basic programs ang gadget o computer. Makatutulong lalo kung maibibigay rin ang accessories gaya ng charger na kasama nito,” ani Robredo sa isang Facebook post.



“Ang inyong magiging ambag, ipaparating natin sa mga estudyante na walang pambili o access sa ganitong mga kagamitan, at sa mga guro na gagamit ng bagong medium upang magbahagi ng kaalaman,” dagdag niya.

Ilan sa mga gadget na maaaring i-donate ay ang mga smartphone, tablet computer, laptop, at desktop computer.

Maari rin tingnan ang Facebook page ni Robredo para sa iba pang detalye kung paano makakapag-donate.

Nauna nang inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na walang tradisyunal o personal na mga klase para sa darating na pagbubukas ng klase sa ika-24 ng Agosto.



Hindi umano papayagan ang mga mag-aaral at guro na magsagawa ng personal na klase hangga’t wala pang bakuna para sa COVID-19, sang-ayon na rin sa naunang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa halip, “blended” learning muna ang gagawin ng mga paaralan kung saan maaaring mag-aral ang mga mag-aaral sa tulong ng internet, at mga printed na module.

Gagamitin rin umano ng DepEd ang mga radyo at telebisyon para sa darating na pagbubukas ng klase.

BASAHIN: DepEd assures no face-to-face classes until vaccine is available




SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


1 thought on “Robredo nanawagan ng donasyon ng mga gadget para sa mga guro, estudyante”

  1. gud day ilipat q Sana Ng skul mga anak q s manila… Paano kmi makasunod Kung kulang n kmi s pambili ng gudget.. Wala n ngang ayuda n nkuha s gobyerno..
    Paano Kung Hindi nmn ganun kagaling magturo Ang magulang! At Kung Hindi Rin sanay gumamit Ng computer or laptop dahil s Hindi Ito natutong gumamit din

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *