Taong 1982 nang isilang si Sonya Carson. Noong siya ay 13 taong gulang, nakakilala siya ng isang beteranong sundalo na mas nakatatanda sa kanya nang 15 taon. Sila ay kinasal at nabiyayaan ng dalawang anak, si Curtis at Benjamin.
Ngunit paglaon, napagpasyahan ni Sonya na iwanan ang kaniyang asawa kasama ang kaniyang mga anak. Sa kasamaang palad, natuklasan niyang may ibang lihim na pamilya ang asawa.
Ang paghihirap
Hindi naging madali kay Sonya Carson ang pagpapalaki sa kaniyang dalawang anak bilang isang solong magulang.
Grade 3 lamang ang naabot ni Sonya kaya hindi na siya natutong magbasa at sumulat. Dahil diyan, wala siyang maayos na trabaho at tanging paglalabada at paglininis bilang katulong ang bumubuhay sa kanila.
Ayaw ni Sonya na matulad sa kaniya ang mga anak. Mahirap man ang buhay, hindi pinabayaan ni Sonya ang pag-aaral ng mga bata. Dugo’t pawis ang kaniyang ginugol upang mapakain nang maayos at mapag-aral ang mga bata.
Isang araw, natuklasan niyang nakababad sa telebisyon ang dalawang anak. Hindi siya nagdalawang isip na pagbawalan ang mga bata sa panunuod.
Gumawa rin si Sonya ng isang malaking hakbang upang mas lalo pang mapaigi ng mga anak ang kanilang pag-aaral. Sa isang linggo, dapat makatapos sina Curtis at Benjamin ng dalawang aklat na kanilang hinihiram sa kalapit public library. Hindi man marunong magbasa si Sonya, kunwari niyang binabasa ang mga book report na sinusulat nila Curtis at Ben sa bawat aklat na kanilang tinapos.
Ang bunga
Nagbunga ang lahat ng sakripisyo at pagdidisiplina ni Sonya sa mga anak.
Si Curtis Carson ay isa na ngayong aeronautical engineer habang si Benjamin Carson o mas kilala sa tawag na Ben Carson ang naging pinaka tanyag na neuroseorgeon sa buong mundo. Si Ben Carson din ang 17th United States Secretary of Housing and Urban Development mula 2017 hanggang 2021 sa America. Tumakbo rin si Ben sa pagkapresidente noong 2016 sa kanilang bansa.
Naging paksa ang kaniyang buhay sa pelikulang ‘The Gifted Hands: The Ben Carson Story’.
Ang sekreto
Anong aral pwede nating mapulot sa kanilang buhay?
Pundasyon ng tagumpay ang pagbabasa ng mga aklat. Nang mahilig sa pagbabasa si Ben at Curtis, maraming aral at karunungan ang kanilang nakuha sa bawat pahinang kanilang binasa.
Minumungkahi ng patnugot sa ating mga mahal na magulang na gawing libangan sa bahay ang pagbabasa.
Maganda rin na i-enrol sa Education PH Reading Class ang inyong anak na 4-9 years old. Isa itong investment. Sa halagang 299 pesos/week, isang matibay na pundasyon ang iyong maibabahagi para sa tagumpay ng iyong mga anak. Click mo ang link na eto para makapag-enrol sa mga online Reading Classes: eduph.me/enroll
Para sa ibang mga quality assured na education products, bisitahin ang website na www.educationph.com
SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER
Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.