Skip to content

Dapat bang ituro kung paano kumita ng pera sa mga paaralan?


Marahil isa ka sa mga nagtapos sa pampublikong unibersidad kung saan itinuro na dapat muna nating unahin ang bayan bago ang ating mga sarili. Kung isa ka namang gradweyt sa isang pribadong universidad o Katolikong paaralan, marahil natatak sa iyong isipan na Diyos bago ang lahat.

Pambubliko man o pribado ang iyong pinanggalingan, alam mong mahalagang makatapos ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho o negosyo para magkaroon ng magandang buhay.

Mahirap ang bansang Pilinas: tama o mali?



Matatalino ang mga Pilipino.

Edukado. May pinag-aralan. At higit sa lahat, proud to be Pinoy tayo kung saan man sa mundo tayo mapadpad.

READ ALSO:
DepEd: No group represents all public school teachers
DepEd says to prioritize schools in far-flung areas for internet access

At tunay nga pong maraming mayaman at makapangyarihan sa ating bansa.



Pero bakit maraming Pinoy ang walang makain at maayos na tirahan? Bakit maraming Pilipino ang tinitiis na mangibang bansa sapagkat walang mahanap na matinong trabaho dito sa atin?

Edukasyon nga ba ang pangunahing susi sa pag-unlad ng ating bansa?

Ilang beses mo nang narinig sa iyong mga magulang na edukasyon ang sagot sa kahirapan? O si titser na panakot ang mababang grades at kung hindi ka titino, baka sa pagtatanim ng kamote ang iyong bagsak.

Marahil ay hindi nagkulang nang paalala ang ating mga guro sapagkat sa unang baitang palang, atin nang nakilala ang mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay para sa kanilang bayan. At pagtuntong sa kolehiyo, lahat ng studyante ay required na kumuha ng Rizal classes kung saan minimulat ang ating kamalayan sa mga konsepto katulad ng civic responsibility at civic duty.



Pero bakit mahirap ang bansang Pilipinas?

Hindi madaling sagutin ang tanong kung bakit mahirap ang bansang Pilipinas.

O sadyang walang sagot. Korapsiyon? Disiplina?

Matatalino ang mga Pilipino. Hindi naman siguro nagkukulang ang pamahalaan at ang DepEd sa pagpapaala na dapat ay inuuna muna natin ang ating bansa bago ang ating mga bulsa.



DOWNLOAD NOW:
Grade 1 English Workbook for Advanced Reading [FREE DOWNLOAD]
Compiled: Kinder and Grade 1 English Workbook for Reading DOWNLOAD NOW!
Full Compilation: Reading & Writing English Workbook for Preschool ages 2-4 DOWNLOAD NOW!

May solusyon ba sa kahirapan sa ating bansa?

Bakit hindi natin ituro ang tamang paraan kung paano kumita ng pera sa mga paaralan. Hindi pagnanakaw o korapsiyon o panglalamang sa kapwa ang paraan kung paano kumita nang malaking pera at umunlad ang ating buhay. Hindi masamang magkaroon ng malaking bahay. At lalong lalo nang hindi masama ang mamigay ng pera.

Financial education. Practical skills. Let’s teach entrepreneurship to our children. Let’s teach them all.

Maraming mga propesor ang marahil ay hindi papayag sa aking pahayag.



Pero hindi bat kung mayaman ang bawat Pilipino, yayaman ang ating bansa?

Turuan nating kumita ng pera ang ating mga anak at estudyante habang bata pa sila.

Narinig mo na ba ang Aral Pinas?

Isang adbokasiya ng Aral Pinas ang magbigay ng libreng learning materials at workbooks. Layunin din nilang makatulong sa mga guro at estudyante, mga magulang at kanilang mga anak na matuto hindi lamang sa aspetong akademiko kundi pati sa praktikal na kaalaman patungkol sa pagnenegosyo at skills na maaring magamit sa trabaho. Kung gusto mong makatanggap ng mga lessons, follow at like ang kanilang Facebook page: https://www.facebook.com/aralpinas/

READ MORE:
DepEd denies news of teachers convincing parents to enroll their children
Chavit Singson offers to install satellites for blended learning




SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *