Skip to content

Bird Box Sa Gradesheet: Ang Pikit-matang Pagtataya Ng Grado Ni JUAN D.


I was asked by my Principal bakit may pitong pulang marka sa gradesheet ko. Kaparehong bilang din ng batang bagsak sa isang partikular na subject na hawak ko. And as usual, the common questions sa mga guro ay ano ang ginawa ko bakit sila bagsak? Bakit ko sila binagsak? At bakit may bagsak? I just told her, they didn’t make it. Na kahit pabagalin ko ang dalawang kamay ng orasan ay hindi sila nag-atubili na pigilan din ito at makahabol din sila sa mga nakapasa. Na kahit nakabibingi na ang mga paliwanag na araw-araw kong naririnig mapagbigyan lamang ang pekeng hinaing na madagdagan ng araw ang deadline ay pinapakinggan pa rin sila ng aking taingang hindi alam maging kawali. Na kahit masakit sa mata ang pula at kaparehong hapdi rin na makakita ng mga estudyanteng nawawalan ng ganang makita ang report card ay mas pinili ko na lamang na dumaan sa tamang proseso at sakit ng reyalidad tungo sa totoong pagbabago.
Well, she just listened. I guess, like the other ‘school heads’ and ‘school leaders’, they knew that life should be fair and square. Bilang isang guro, mas naniniwala ako sa tamang proseso kaysa sa output. Walang kwenta ang mass promotion, walang kwenta ang mga nagsisitaasang grades, walang kwenta ang mga medalya o sertipiko na matatanggap ng bata kung lahat naman ng iyon ay naibigay dahil sa awa, dahil sa subhektibong pagtataya at ebalwasyon ng grado, dahil pangit sa isang section na mayroong mga bagsak, dahil sa takot na baka magreflect ang mga bagsak na grado sa guro na iyon.
Minsan, mas gusto ko na lang na maipakitang may mga estudyanteng mayroong pulang marka at malaman na kailangan nila ng tulong, na kailangan ng intervention mula sa iba pang stakeholders, na hindi basta ipasa na lamang at tapos na ang problemang pang edukasyunal. Kaysa ipasa sila ngunit ito naman ang puntong tinanggalan natin sila ng kakayahang magdesisyon nang tama at tumayo sa sarili nilang paa dahil, pasasaan nga’t ipapasa rin lang sila dahil sa mga iba’t ibang dahilan.
Ewan ko, may mga iba siguro na nagsisitaasan na ang kilay patungo sa kanilang anit, pero ito ang katotohanan. Holistiko ang rason ng lahat. Hindi lamang sa hanay ng mga guro dapat isinisisi ang pagbagsak ng estudyante. Kundi mismong sa estudyante, sa mga magulang, sa kurikulum at sa iba pang salik na nakaaapekto sa kabuuang desisyon na dapat magkaroon siya ng pulang marka.

Read More: Teaching, Sacrificial Nobility

Oo, may mga batang nagtratrabaho para makapag-aral, may mga batang umiinda ng samu’t saring problemang hindi dapat kinakaharap ng gabatang estado nila. Ngunit hindi sapat na dahilan iyon upang mabigyan sila ng marka na hindi dumadaan sa proseso—prosesong huhubog pa sa kanila upang mas maging matatag sila sa anumang hamon ng buhay. Prosesong dapat pagdaanan ng lahat. Pantay! May problema man o wala. Mahirap man o mayaman.
Kaya ng guro na mag-magic ng grado, pero hindi kaya ng estudyanteng minagic ang grado na mag-magic din sa totoong buhay. Dahil ang mahika, shortcuts at kasinungalin ay walang puwang sa totoong buhay.
Ang pagtuturo at pagkompyut ng grado ay hindi gumagaya sa mga tauhan ng BIRD BOX! Lahat ng pandama, isip at puso ng isang guro ay dapat bukas sa anuman at posibleng dahilan ng anumang estado ng kabataan ngayon. Dahil ang totoong marka sa report card ay ang gradong pinaghirapan, hindi pikit-matang ibinigay lamang. ????

 

#Repost
Credits: Sir Moises M. Lopez

Featured Image 




SIGN UP TO DEPED TAMBAYAN NEWSLETTER



Join our Facebook Community and meet with fellow educators. Share and download teaching materials. Get important updates and read inspiring stories.



RECOMMENDED


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *